Butuan City, Agusan del Norte – Patay ang isang Grade 5 na estudyante matapos matulukang ballpen sa mata ng kanyang klasmeyt sa loob ng Antongalon Elementary School sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktima na si alyas “Macky,” 13-anyos, habang ang nasabing imbolbado ay isang 11-anyos na lalaki at kapwa estudyante sa paaralan.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nakarinig ang caretaker ng paaralan ng sigaw mula sa loob ng silid-aralan at agad na tumakbo sa lugar, kung saan natagpuan nila ang biktima na duguan ang mata matapos tamaan ng ballpen.
Dinala agad ang bata sa Butuan City Medical Center para sa agarang lunas at kalaunan ay inilipat sa isang pribadong ospital.
Aniyad ama ng bata na may kinalaman sa insidente, nag-umpisa ang alitan dahil sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang bata sa paggamit ng cellphone habang nagkakasipalan. Ayon sa pahayag, sinipa at sinuntok ng biktima ang kanyang klasmeyt, dahilan upang magalit ang bata at sa kasamaang palad, natamaan ang mata ni Macky ng ballpen.
Ipinahayag rin ng ama ng sangkot na bata na wala itong intensiyon na saktan ang kanyang kaeskwela at aksidente lamang ang nangyari.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong pangyayari at kung ano ang nararapat na hakbang sa insidente.

Leave a Reply