Nag‑alok ang Philippine Bar Association (PBA) na mag‑host ng isang pampublikong debate sa pagitan ni Senador Rodante Marcoleta at ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio upang talakayin ang isyu ng West Philippine Sea (WPS) at ang mga legal na aspekto nito.
Ipinahayag ng PBA na kaya nilang magbigay ng neutral at ligtas na venue, may propesyonal na moderators, malinaw na debate rules, at open access para sa media at livestreaming upang maging transparent ang talakayan. Anila, makakatulong ito sa mas malalim na diskurso sa publiko ukol sa karagatan at soberanya.
Nauna nang inihamon ni Marcoleta ang debate bilang tugon sa imbitasyon sa kanya na sumali sa isang maritime flight sa Kalayaan Island Group. Iminungkahi niya na isama sa talakayan si Carpio at iba pang eksperto upang mas mapagyaman ang diskusyon tungkol sa pamamalakad at legal na batayan ng WPS.
REFERENCES:

Leave a Reply