Nagpahayag ang Department of Education (DepEd) na pinag-aaralan nilang ipatupad ang trimester system sa darating na School Year 2026–2027 bilang bahagi ng kanilang plano para mas maayos at balanseng sistema ng pag‑aaral.
Sa ganitong setup, hahatiin ang klase sa tatlong mas maikling termino na may tuloy‑tuloy at planadong mga aralin at gawain sa bawat bahagi ng taon.
Ayon sa pamahalaan, ang bagong sistema ay maaaring magbigay ng mas mahabang panahon ng pag‑katuto at mas malinaw na pacing ng mga leksyon, pati na rin bawasan ang trabaho sa mga guro sa pamamagitan ng mas maayos na pag‑alok ng mga aktibidad at enrichment blocks.
Inihahanda na rin ng DepEd ang mga patnubay at detalye para sa pagpapatupad ng trimester calendar habang nakikipag‑ugnayan pa sa mga stakeholders.
REFERENCE:

Leave a Reply